Dalawang gabi ang magiging dance concert ng SexBomb Girls na “Get, Get, Aw!” sa Amerika.
Sa social media, inanunsyo ni Rochelle Pangilinan na gagawin ang second show sa Saban Theatre sa Beverly Hills, California, sa May 23 sa ganap na 8 p.m.
“West Coast, ihanda ang boots at balakang dahil tuloy-tuloy ang kembot at walang pahinga ang pasabog. Sexbomb goes to LA!!!” saad ni Rochelle sa caption.
Maaari umanong mabili ang ticket simula sa February 18.
Nauna nang inanunsyo ng grupo ang unang US show nila sa May 16 sa Thunder Valley Casino Resort sa Lincoln, California.
Bago nito, magkakaroon muna ng rAWnd 6 reunion concert sa bansa ang Sexbomb Girls. Sunod naman ay dalawang show ang gagawin nila sa UAE sa Marso.—Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News

