Bago naging isa sa mga pinakamainit na young actress ng Kapuso network ngayon, ikinuwento ni Bianca Umali sa programang "Tunay Na Buhay" kung papaano siya nagsimula bilang "extra" sa mga programa sa telebisyon.
Sa panayam ng host na si Rhea Santos, sinabi ni Bianca na malaking impluwensiya sa pagpasok niya sa showbiz ang kaniyang ina na dating dancer sa isang TV show.
Sa edad na dalawang taon, sumabak na siya mga TV commercial hanggang sa nakadiskubre ng isang talent coordinator.
Pero dahil bago lang, nagsimula si Bianca bilang pa-extra-extra hanggang sa nabigyan ng break at sariling role sa dating GMA series na na "Magic Palayok."
Sa naturang panayam, ikinuwento rin ng aktres na maagang siyang naulila sa ama't ina, at ang kaniyang lola ang nagpalaki sa kaniya. Panoorin:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
