Marami umanong natatanggap na payo si Michelle Dee sa kaniyang ina na si 1979 Miss International Melanie Marquez. Kasama sa mga payo nito na mag-focus muna sa career at hindi sa lalaki.
Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa modelling industry si Michelle.
Sa taas na 5'10, hindi raw maikakailang namana ni Michelle ang tindig at looks ng kaniyang ina, na naging Supermodel of the World first runner-up din.
Nang tanungin si Michelle kung susundan niya ang yapak ng ina, tugon ng dalaga; "The comparison is always there pero my mom makes a very good effort on making sure na hindi ako napi-pressure."
Hindi rin daw niya isinasara ang pinto sa posibilidad na sumali sa beauty pageants.
Pero kapag sumali, korona ng Miss Universe ang tila nais masungkit ng 22-year-old psychology graduate.
Pagdating sa modelling tips, sinabi ni Michelle na constructive criticisms para mapahusay ang kaniyang pag-pose sa pictorial.
Pero ang number one advise daw na natatanggap ng dalaga sa kaniyang protective mommy, ang tutukan muna ang career.
"Seryosohin muna ang career, 'wag muna lalaki, kailangan mas matangkad sa'yo, kailangang mas pogi, 'wag mo 'kong gayahin ang dami-dami kong...," natatawang kuwento ni Melanie sa mga bilin daw ng ina. -- FRJ, GMA News
