Ikinatuwa ng fans na makitang nabuo muli ang grupo sa pelikulng "Do Re Mi" nina Regine Velasquez, Donna Cruz, at Mikee Cojuangco sa nakaraang concert ng Asia's Songbird na 'R30'.
Sa video na ipinost ng batikang direktor na si Andoy Ranay sa kaniyang Instagram account, wala siyang ibang nabanggit sa caption kung hindi, "grabe!!"
Kasama ng tatlo sa pag-awit ng "I Can" si Nate, na anak nina Regine at Ogie Alcasid.
WATCH: Regine at anak na si Nate, nag-duet sa pag-awit ng 'I Can'
Tulad ng inaasahan, dinagsa ng fans at celebrities ang 30th anniversary concert ni Regine na ginanap nitong nagdaang Sabado at Linggo. -- FRJ, GMA News
