Sa programang "Tunay Na Buhay," sinabing maliban sa pagiging artista, pangarap din ni Isabel Granada na maging piloto kaya kumuha siya ng kursong aeronautical engineering.

Kasalukuyang nakaratay sa isang ospital sa Qatar si Isabel matapos ma-comatose nang dumalo sa isang event nitong nakaraang linggo.

READ: Isabel Granada in coma due to aneurysm in Qatar

Sa panayam naman ng host na si Rhea Santos, sinabi ng dating ka-love team ni Isabel na si Chuckie Dreyfus na stable pero wala pa ring malay ang aktres.

Kaya naman patuloy siyang humihingi ng dasal para sa paggaling ni Isabel, na tiyak umanong matutuwa kapag nalaman na marami ang nagmamahal sa kaniya.
Panoorin ang "Tunay Na Buhay:"

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News