Noong nakaraang Setyembre, namalas ang husay sa pagganap ng namayapang aktres na si Isabel Granada sa isang episode ng GMA program na "Tadhana."
Balikan ang isa sa mga huling pagganap ni Isabel na umabot na sa mahigit one million views sa Facebook page ng programang tumatalakay sa buhay ng mga overseas Filipino worker.
Pumanaw si Isabel nitong Sabado ng gabi, isang linggo matapos siyang ma-comatose habang nasa Qatar.
READ: Isabel Granada passes away in Qatar
-- FRJ, GMA News
