Itatampok sa Sabado sa drama anthology na "Wagas" ang love story ng yumaong aktres na si Isabel Granada at kaniyang mister na si Arnel Cowley.

Gagampanan sila nina Kim Rodriguez at Benjamin Alves ang naturang episode sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Hidalgo.

Sa Instragram account ni Kim, makikita ang larawan na kasama niya si Arnel, pati na sina Benjamin at direk Jeffrey.

 

Pumanaw nitong Nobyembre ang aktres na si Isabel matapos ma-comatose dulot ng aneurysm habang nasa isang business trip sa Qatar kasama si Arnel.

Matapos ma-cremate, inilagak ang abo ni Isabel sa Santuario de San Jose.

Mapapanood ang "Wagas" sa ganap na 7 p.m. sa GMA News TV. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News