Nagwagi ang Kapuso star na si Edgar Allan Guzman bilang Best Supporting Actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2017 nitong Miyerkoles.
"THANK YOU LORD!!! the best ka! Hiniling ko lang sayo, binigay mo agad.. Wow!! Ang sarap sa feeling!! Namiss ko to!!" caption ni E.A. sa kaniyang Instagram.
Pinasalamatan din ni E.A. ang mga tao sa likod ng kaniyang pagkapanalo at sinabi niyang para ito sa kaniyang pamilya.
"MARAMING SALAMAT sa lahat ng bumubuo ng MMFF @mmffofficial, para sa parangal na to.. dati parada lang, ok na ko.. ngayon nagkaron ako dahilan para gumawa pa ng maganda at makabuluhang pelikula!" saad niya.
Dagdag pa ng aktor, "To my T-REX ENTERTAINMENT family, THANK YOU sa tiwala! @trex_entertainment lalo na kay Sir Rex Tiri, salamat sa tiwala at pagkakaibigan!! Kay Direk Julius Alfonso, i love you Direk! Salamat dahil hinayaan mo lang akong maging isang MARK CARAMAT sa pelikula.. Sa pangalawang tatay ko, @iamnoelferrer salamat!!! Eto na yun!! Game na!! Kay Bro JOROSS GAMBOA, para satin to bro!!! Idol kita!! At sa pamilya ko, para sainyo to!! @sarrieguzman @vincemguzman @mcguzman21 @bjamesguzman love you all!! GOD is good!"
Masarap daw ang tulog ni E.A. ngayong hawak niya ang tropeo.
Ang sarap ng tulog ko nito.. GOD is good! ???????? #blessed pic.twitter.com/JXcydTIgee
— Edgar Allan Guzman (@TheEdgarAllan) December 27, 2017
"Ang sarap ng tulog ko nito.. GOD is good! #blessed" caption ni E.A. sa kaniyang Twitter account.
Ginampanan ni E.A. ang karakter ni Mark sa pelikulang "Deadma Walking", ang best friend ng karakter ni Joross Gamboa na si John.
Sa naturang pelikula, malapit nang mamatay si John dahil sa sakit na cancer. Dahil sa "vain" si John, gagawa siya ng pekeng lamay upang marinig niya kung ano ang sasabihin ng mga kamag-anak at kaibigan tungkol sa kaniya.
Tutulungan ni Mark si John sa pag-o-organisa ng kaniyang lamay.
Dati nang inihayag ni E.A. na nakatulong daw ang pag-oobserba niya sa kaniyang kapatid na gay para gampanan ang mga gay roles. — AT, GMA News
