"Man's best friend" kung maituturing ang mga aso dahil bukod sa mga loyal, cute at nakakapagbigay sila ng good vibes. Kaya hindi rin maiwasan ng ilang Kapuso stars na mapamahal sa mga ito.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nagbibigay-aliw kay Jennylyn Mercado ang kaniyang Pomeranian na si Conor, na may sarili pang Instagram account.

 

Afternoon review with mommy jen @mercadojenny

A post shared by Conor (@conor_mercado) on

 

"Well-documented" sa Instagram ang pakikipaglaro, pagkain at pakikipagkulitan ng naturang aso kay Jennylyn, na mayroon nang 12,000 followers.

Madalas ding kalaro ng boyriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo si Conor.

 

A post shared by Conor (@conor_mercado) on

 

"Mahilig kami pareho sa animals, lalo na 'yung aso. Para sa amin therapy siya eh, ang lakas niyang maka-good vibes kapag nakikita mo siya, parang excited siya palagi. Ang lakas magpasaya kapag meron kang inaalagaan na pet na alam mong mahal ka din niya," sabi ni Dennis.

Si Lovi Poe na isa sa mga leading lady sa "The One That Got Away," laging excited umuwi dahil palagi siyang sinasalubong ng mga alaga niyang aso.

 

Almost didn’t see you there, Señor. Camouflaged in between my sheets

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on

 

All I need is a star on the top of my tree...mind if I put you up there Señor?

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on

 

"I have four. I have three Shih Tzus, one Maltese. Iba kasi 'pag may dogs sa house, parang nakakapauwi ng pagod. They call it 'the four-legged therapy.' Uwing-uwi na tuloy ako, 'yan 'yung napi-feel ko, parang gusto ko silang makasama," sabi ni Lovi.

Si "My Korean Jagiya" star Heart Evangelista naman, mahilig mag-ampon ng mga 'Aspin.' Namana raw ni Heart ang kaniyang pagiging pet lover sa kaniyang ama.

Mga aso ni Heart sina Yogi, isang German Shepherd, at si Panda, isang rescue dog.

 

Cool and comfy. Thank you @bowhouse.ph #aspinclub

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

 

Mahilig din sa mga aso ang magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez.

Best gift daw kung maituturing ni Jak ang kaniyang Jack Russell at Pug.

 

#jackrussellpug #Jmi

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

#Angel #Pominese #PetGoals #Petspirations

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Natanggap naman ni Sanya ang isang TeacupPoodle bilang birthday gift na mula sa kaniyang ka-love team na si Rocco Nacino.

 

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Globie, ang alagang Siberian Husky ni Alden Richards, ang kaarawan nito.

 

 

Regalo si Globie kay Alden ng fan kaya todo ang pag-aalaga ni "Pambansang Bae" sa kaniya.

Samantala, Grade 2 pa lang daw si Gabbi Garcia ay miyembro na ng pamilya ang turing niya sa kaniyang Poodle na si Sunshine.

 

waiting in vain • ft. sunshine

A post shared by Gabbi Garcia ? (@_gabbigarcia) on

 

"She's turning 11 this January so medyo matanda na siya. You have your companion everyday tapos siya talaga 'yung hindi ka iiwan eh," sabi ni Gabbi.

Pet dog naman ni Janine Gutierrez si Cali, isang Labrador Retriever na lagi niyang katabi sa pagtulog.

 

 

7 years today of snuggling my calibear. love you so much, brown eyes

A post shared by JANINE (@janinegutierrez) on

 

Para naman kay Valeen, dream come true na makapag-alaga siya ng sarili niyang aso.

"I have a pet Pug and her name is Unna. I love her, kung minsan nga sinasabi ko sa kaniya 'pag kinakausap ko siya, 'Alam mo ba kung gaano kita kamahal? Sobrang laking part mo sa buhay ko.' Talagang she gives happiness to me," sabi ni Valeen.-- FRJ, GMA News