Habang wala pang trabaho ang kaniyang asawa, ang misis na "Sugod-Bahay" winner muna ang kumakayod para sa kanilang pamilya bilang isang "rampadora."

Pero taliwas sa glamorosong mundo ng fashion industry, hindi siya catwalk rumarampa kung hindi sa palengke at katayan ng baboy.

Panoorin ang video na ito ng "Eat Bulaga" upang malaman ang isa pang uri ng trabaho na tinatawag na "rampadora."

-- FRJ, GMA News