Sa panayam ni Rhea Santos sa "Tunay Na Buhay," binalikan ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang malungkot na bahagi ng kanilang buhay nang pumanaw ang kaniyang ate, pati na ang narasanang pambu-bully noong bata pa siya.
Ayon kay Kristoffer, pitong-taong-gulang siya noon nang nasawi ang kaniyang ate sa isang aksidente. Dahil sa nangyari, naging sobrang protective ng kaniyang mga magulang sa pagpapalaki sa kaniya at sa mas nakababata niyang kapatid.
Samantala, sinabi naman ng aktor na nangyari ang pambu-bully sa kaniya noong nag-aaral siya sa elementarya hanggang high school.
"Nung bata ako, sobrang binu-bully ako. Mula elementary to high school. Ewan ko lagi akong binu-bully," kuwento niya. "May isang beses paglabas ko ng school ng campus sinakal ako agad."
Hindi raw niya nagawang lumaban noon dahil sa takot at sa bilin na rin ng kaniyang mga magulang na huwag lalaban at sa halip ay magsumbong sa kanila para sila ang kakausap.
Panoorin ang buong panayam kay Kristoffer sa video na ito ng "Tunay Na Buhay:"
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
