Nitong Valentine's Day, inamin na ng vlogger na si Wil Dasovich na sila na ng cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.

"Masaya. She's my girlfriend. Secret's out," sabi ni Wil sa isang video ng kaniyang YouTube Channel habang kasama si Alodia.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News "Balitanghali," sinabing masaya si Wil na kasama niya si Alodia, mula sa mga bagay na kanilang ginagawa nang magkasama hanggang sa pag-travel.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Will na wala na siyang cancer matapos ang anim na buwang gamutan, at pinasalamatan niya ang ngayo'y girlfriend na niyang si Alodia sa suporta nito.

Samantala sa Instagram ni Kapuso star Jak Roberto, makikita naman na hindi mapigilan ng napapabalitang girlfriend na si Barbie Forteza ang pagtawa.

Pagbati ito ni Jak sa dalaga ng Happy Valentine's Day at inilarawan ang dalaga bilang "coziest, bungisngis and prettiest girl" na nakilala niya.

 

 

To the coziest, bungisngis and prettiest girl na nakilala ko. Happy Valentine's Day.

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Gumanti naman si Barbie nang mag-post din ng video ni Jak na hindi rin mapigilan ang kaniyang pagtawa.

Inilarawan ni Barbie si Jak bilang "masugid na manliligaw ng mga magulang ko at nails SPA buddy ko."

 

Sa masugid na manliligaw ng mga magulang ko at nails spa buddy ko, Happy Balentayms ?

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

 

Sinorpresa naman si "Queen of All Media" Kris Aquino ng kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby sa kaniyang kaarawan nito ring Pebrero 14.

Nagpasalamat si Kris sa natanggap na pagbati.

 

 

My 2 LOVES! #surprise

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

 

Natuwa naman ang mga netizens sa surpresang ginawa ng kaniyang mga anak.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News