Hindi na itinago ng "Wowowin" contestant na si Nard na tila nahulog na siya sa best friend niyang babae.
Ayon kay Nard, gumaganap siya bilang extra sa mga shows, at palagi niyang kasama si Jessa sa mga tapings. At hindi rin niya pinalagpas ang pagkakataon na imbitahin ang kaniyang best friend na sumama sa kaniya sa Wowowin.
"Jessa, punta ka rito, panahon na natin 'to para malaman mo na 'yung totoo," pag-amin ni Nard.
Ayon naman kay Jessa, kay Nard niya sinasabi ang lahat ng kaniyang mga problema, at nasasaktan siya sa tuwing nilalait-lait si Nard na "Xander Ford."
Dahil dito, umamin na si Nard. "Mapa-drama man, ikaw 'yung partner ko, baka girlfriend. Ngayon, sa likod ng camera, puwede bang, may pag-asa ba ako sa'yo?"
Panoorin sa video ang sagot ni Jessa sa binata. —Jamil Santos/JST, GMA News
