Ilang Kapuso celebrities ang dumalo sa nakaraang pagtitipon para ipakilala ang mga nominado sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ngayong taon.

Sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing star-studded ang naging pagkilala sa ilang nominado sa naturang award-giving body.

Ilan sa mga dumalo sa pagtitipon sina Ricky Davao at Edgar Allan Guzman, na kapwa nominado sa Best Supporting Actor category.

Ipinaliwanag naman ng screenplay writer at novelist na si Ricky Lee ang magiging bagong format ng kompetisyon.

Si Lee ang jury head ng FAMAS ngayong taon kung saan 11 pelikula ang maglalaban-laban sa Best Picture category.

Sampu naman ang maglalaban-laban sa Best Actor trophy kasama ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Nakatakdang ganapin ang awards night sa June 10 sa Solaire.-- FRJ, GMA News