Nagmistulang doktora daw ni Tom Rodriguez ang co-star niya sa seryeng "The Cure" na si Jennylyn Mercado dahil nalunasan ang allergy attack ng aktor kapag bumibiyahe.

Madalas nga daw atakihin ng allergies si Tom kapag bumibiyahe at sumasakay sa eroplano pero nawala ito dahil sa tulong ni Jennylyn.

“Thank you sa mga itinuturo niya sa akin kasi ngayon, my plane rides are comfortable.

“Kasi dati, nag-a-allergy ako, hatsing ako nang hatsing [sneeze] sa eroplano.

“Pero ngayon, I just use lavender and peppermint oils. Wala na, pati migraine ko nawala.

“Oilbularyo na rin ako ngayon, I just put lavender and peppermint para mawala yung mga allergies ko.

“I’m happy with the benefits I get from them,” pagpapasalamat niya.

Kung may mga natututunan si Tom kay Jennylyn, may mga kaalaman din namang naibabahagi raw si Tom sa aktres.

Maraming scientific facts na alam si Tom dahil mahilig itong mag-research.

“Nahihiya na nga ako sa kanila kasi non-stop akong magsalita sa set, sa taping,” at tumawa si Tom habang kakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Cure sa Antipolo kamakailan.

Ano ba ang mga itinuturo niya kay Jennylyn about science?

Lahad niya, “Ahh, kung anu-ano lang, e!

“Minsan about lang sa mga nare-research ko.”

Pareho sila ni Rafael Rosell na maraming alam tungkol sa mga kung anu-anong bagay, mapa-science man, technology o current events.

Aniya, “Kaya I’m happy to be part of Luminary. Ako, si Raf, si Dennis, si JC.”

Intense raw kung magkuwentuhan silang apat nina Rafael, Dennis Trillo at JC Tiuseco na pare-parehong nasa pangangalaga ng Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo.

Wala rin daw silang ilangan ni Jennylyn sa mga medyo intimate scenes nila sa "The Cure" bilang mag-asawa.

“It’s work!” paglinaw ni Tom.-- For more showbiz news, visit PEP.ph