Kung panggagaya ng boses ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang ilang Kapuso star. Panoorin.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago, ipinakita ni Ruru Madrid, na kayang-kaya niya ang boses nina Leo Martinez, Robin Padilla at maging ang pag-awit ni Janno Gibbs.
Boses naman ng matanda ang kayang gawin ng "Sunday Pinasaya" at "Bubble Gang" mainstay na si Valeen Montenegro.
Samantalang hindi lang pangmatanda kung hindi maging pambata ang kayang gawing boses ni Pekto.
Kaya rin niyang gayahin ang boses ni Tita Mel Tiangco.
Ang bagong Kapuso artists na si Devon Seron at ang "Bakwit Boys" leading man niya na si Vance Larena, parehong boses ni Mr. Bean ang kaya.
Hindi rin nagpahuli si Barbie Forteza na gumagaya sa boses ni Kris Aquino.
Ang leading man ni Barbie sa "Inday Will Always Love You" na si Derrick Monasterio, kayang magboses ala-Babalu at pati na si Lhar. -- FRJ, GMA News
