Matapos magkasama sa Kapuso telefantasya na "Encantadia," muling mapapanood sina Mikee Quintos at Kate Valdez sa bagong primetime drama series ng GMA na "Onanay."

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabi ng dalawa na lalo silang naging close sa "Onanay" kung saan gaganap silang magkapatid.

Bukod umano sa kanilang pinagsamahan on and off camera, malaking tulong din ang tips at advice na ibinibigay ng mga beteranong artista na kanilang kaeksena tulad nina Superstar Nora Aunor at Cherie Gil.

Ayon kina Mikee at Kate, inaalalayan sila ng mga beteranong aktres sa mga mabibigat na mga eksena ay sinasabihan silang mag-relax lang at kaya nila ang kanilang gagawin.

Kabilang din sina Mikee at Kate sa mga kabataang artista ngayon na may magagandang mukha sa showbiz. Alamin kung ano ang kanilang top five makeup essentials sa video na ito.

-- FRJ, GMA News