Matagal na raw pangarap ni Valerie Concepcion na maikasal sa lalaking minamahal niya.

Ngunit ngayon lamang ito matutupad matapos mag-propose sa kanya ng kasal ang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga noong July 11, 2018.

Saad ng 30-year-old actress, “Siyempre, sobrang happy ako kasi alam mo ba, sa totoo lang, 23 years old pa lang ako, dini-dream ko na ikasal.

"Kasi, my parents got married when my mom was 25.

“So, I was hoping to get married nung 25 years old din ako.

"So, 23 pa lang ako, nasa dream ko na na ikasal."

Patuloy ni Valerie, “Now, I’m 30, finally may nabingwit din ako, di ba, finally?

“Sabi ko nga, unti-unting natupad ang mga dreams ko.

“Like, una, gumradweyt ako [BA Psychology, June 2018].

"Pangalawa, ang ganda-ganda ng show na ibinbigay sa akin [Ika-5 Utos] ng GMA, ang ganda ng opportunity.

“Ang tagal ko na sa showbiz, ang dami ko natutunan sa mga kaeksena ko, kay Direk Laurice [Guillen].

"Pangatlo, ito nga, ngayon magpaplano na kami ng kasal.

“So, di ba, parang everything is falling into place.”

Si Francis ay nagtatrabaho sa Guam bilang isang clerk of court.

Ano bang meron sa nobyo at sa tingin ni Valerie ay ito na talaga ang kanyang forever?

Sagot ng aktres, “Actually, that’s the funny thing, hindi ko nga naintindihan why.

"Because I had boyfriends naman here sa Philippines.

“Pero alam mo yung feeling na lagi kang may pinagseselosan, lagi kang praning, ganyan?

"Pero eto, kung sino pa yung malayo, taga-Guam siya, he is based there, pero siya yung nakapagpa-feel sa akin na kahit malayo siya, secure ako sa kanya, hindi ako siguradong napa-paranoid, hindi ako nagseselos.

“I don’t know, that’s how he makes me feel.

"Or, siguro umpisa pa lang na parang, ‘Shucks, ito yung perfect match for me.'”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie sa presscon ng "Ika-5 Utos" sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City, kagabi, September 3.

Mapapanood ang "Ika-5 Utos" sa GMA Afternoon Prime simula sa September 10.-- For the full story, visit PEP.ph