Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ng mga nakidalamhati sa pagpanaw ni Rene Garcia ng Hotdog, nang tugtugin ang mga awitin ng banda habang nakahimlay ang kaniyang mga labi sa Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque.
Sa Facebook post ng kapatid ni Rene na si Dennis, nagpasalamat siya sa mga kasalukuyang at dating kasama sa banda, at mga kaibigan at kasama sa industriya na nagbigay ng kanilang huling respeto kay Rene.
Sa caption ng isang video post ni Dennis na inawit ang "Langit Na Naman' ng dati nilang singer sa banda, nakasaad na,: "It's okay to cry..." Rene must have shed a tear or two as Hotdog's "longest-serving" female singer Maso (who joined the band at age 15) slid into an impromptu improvised, new arrangement of a Hotdog classic, assisted by Rene's most favorite keyboardist Junno. A song that my dear gifted brother passionately worked on with me... to highlight a wedding. Mine"
Kabilang umano sa mga nagtungo sa burol ni Rene ang mag-asawang Eileen at Joey De Leon, RJ Jacinto, Atoy Co at Celeste Legaspi.
Makikita rin sa burol ang gitara na lagi umanong ginagamit ni Rene sa pagtugtog.
Pumanaw si Rene sa edad na 65 noong Linggo ng gabi dahil sa cardiac arrest.
READ: Rene Garcia of Hotdog band passes away
Nagsimulang sumikat ang Hotdog noong 70's dahil sa kanilang mga awitin na tinawag na "Manila Sound."
Kabilang sa mga awiting ito ang "Manila", "Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko", "Bongga Ka 'Day", "Annie Batungbakal," "Pers Lab", at "Bitin Ako Sa Iyo".
Ihahatid sa huling hantungan si Rene sa Manila Memorial sa Sucat sa Sabado, Sept. 8, 2018 sa ganap na 11:00 a.m.---FRJ, GMA News
