Naging emosyonal ang episode ng "Wowowin" nitong Biyernes nang ihayag ng contestant na si JR na alam na niyang ampon siya, ngunit itinago niya ito sa kaniyang tiyuhin na nagsilbing ama niya para hindi ito masaktan.

Kuwento ni JR, nalaman niyang ampon siya dalawang taon na ang nakakaraan nang umamin ang tunay niyang ina sa kaniya.

Paliwanag ni Tito Buboy, pamangkin niya talaga si JR dahil kapatid niya ang ina nito.

Mas naging madamdamin sa studio nang magsalita si Nanay Cathy, na ipinaliwanag kung bakit ipinaampon niya ang anak na si JR sa kapatid na si Buboy.

"Hindi ibig sabihin na hindi ka mahalaga sa akin, minahal kita. Nagkataon lang na may sakit lola mo. Kung sa bahay ka, mahahawa ka lang sa sakit nila. Tapos single parent lang ako, hindi kita kayang buhayin, wala akong trabaho."

Panoorin ang emosyonal na palitan ng mensahe nina JR at nanay niyang si Cathy.

— Jamil Santos/MDM, GMA News