Nakipagkulitan ang Kapuso couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis sa "ArtisTambayan," at nagkuwento sa kanilang relasyon, magiging pangalan ng baby girl nila, at mga "ikinakainis" nila sa isa't isa.
Inihayag din nila na may mga kinatatakutan silang hayop. Si Paolo, aminadong takot sa ipis kahit malayo pa ito sa kaniya, at lalo na kung lumilipad ito.
Si LJ naman, takot sa uod kahit hindi ito nanghahabol pero siya ang kailangang lumayo.
Panoorin ang kanilang masayang rebelasyon sa video na ito.
—Jamil Santos/LBG, GMA News
