Sobrang saya ng mga fans nitong Sabado dahil naka-bonding nila ang kanilang mga favorite Kapuso stars sa isang team building sa Rodriguez, Rizal, na puno ng hiyawan at halakhakan.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend," sinabing pa-team building ito GMA Artist Center na ginanap sa isang resort.
Hindi lang katuwaan, ngunit competitive rin ang mga fans kaya game na game na nakipagtunggali ang ilang Kapuso stars.
Ilan sa mga palaro ang sack race, tug of war at water relay.
Mahigit 100 fans ang sumali kaya naging espesyal ito para sa mga Kapuso artists.
"Kami siyempre gusto namin laro-laro lang. Pero 'yung mga kasama namin, 'yung team namin, competitive sila eh kaya umabot kami sa finals, so yeah!" sabi ni Lucho Ayala.
"Sobrang nakaka-enjoy po kasi pati 'yung mga tao na nagpunta rito, napasaya po namin. Hindi lang kami ang nag-enjoy, pati rin po sila so sana po maulit pa," ayon naman kay Kelvin Miranda.
Hindi kumpleto ang palaro kung walang boodle fight, na talaga namang na-enjoy ng lahat.
Ang event ay naglalayong mas mapalapit pa ang mga Kapuso artists sa kanilang fans, at paraan na rin para pasalamatan sila sa kanilang walang sawang pagsuporta.
"At least kahit paano nakakabawi kami sa kanila, sa mga efforts nila sa pagpunta sa mga events ng GMA, sa mga mall tours, sa pagsigaw sa amin, sa pagsuporta sa lahat ng show. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila," sabi ni Klea Pineda. — Jamil Santos/DVM, GMA News
