Sa isang episode ng programang "Tonight With Arnold Clavio" na ipinalabas noong 2013, inalala ni OPM legend Rico J. Puno and pagkakakilala sa pagpapauso niya ng bell-bottom pants noong 1970s.

Pumanaw nitong Martes ng umaga si Rico J. Puno sa edad na 65.

Ayon sa kanyang manager, Norma Japitana, "heart-related" ang sanhi ng pagpanaw ng batikang mang-aawit. Dati na daw siyang sumailalim sa operasyon sa puso at nilagyan ng pacemaker noong Agosto.

 

Sa programa na ipinalabas ulit nitong Miyerkules, ikinuwanto ni Rico J. na siya rin ang naging taga-tahi ng mga maong ng kaniyang mga kaklase para makasunod silang lahat sa uso.

Inalala din niya ang mga pelikulang ginawa niya tulad ng Inday Garutay (1976), Bawal na Pag-ibig (1977), at Instant Mommy ni Eugene Domingo.

Hindi raw makalimutan ni Rico J. ang eksena nila sa beach ni Alma, dahil kahit sa beach, kailangang suot pa rin niya ang kaniyang bell-bottom pants.

"'Yung waist line ko 28, 30 'yung dito eh (bell-bottom pants), mas malaki," ayon sa singer.