Sa nalalapit na pagtatapos ng "Victor Magtanggol" ngayong Biyernes ng gabi, inihayag nina Alden Richards at Andrea Torres kung ano ang nais nilang maarbor o hingin sana mula sa naturang Kapuso hit primetime series.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing labis ang pasasalamat ng cast ng "Victor Magtanggol" sa fans dahil sa suportang ibinigay nila sa serye mula sa umpisa.

Ayon kay Alden, isang pangarap na nagkatotoo ang pagbida niya bilang isang superhero sa serye at malaki raw ang naiambag sa kaniyang pagkatao.

Ang mga co-star niya na sina Andrea at Janine Gutierrez, sinabing mami-miss nila ang kanilang samahan na tila isang pamilya na nabuo sa kanilang taping.

Si Janine, naging malapit daw kay Andrea na kasama niya sa tent. Kasabay nito, nakahanap daw siya ng pangalawang ina sa katauhan ni Ms. Connie Reyes.

Nang tanungin kung may nais silang hingin o maarbor na souvenir sa kanilang pagganap sa "Victor Magtanggol," inihayag ni Andrea na nais niyang hingin si "Rati," ang tila daga na karakter na sidekick niya sa serye.

Si Alden naman, nais na hingin ang kaniyang costume at ang martilyo o ang Mjolnir.

"Gusto ko nga 'tong custume ko. Ilalagay ko sa mannequin at saka yung Mjolnir. -- FRJ, GMA News