Dahil sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe, ilang celebrity ang nagkaroon ng inspirasyon na sumabak sa beauty pageant. Si Solenn Heussaff, ginaya naman ang sikat na "lava walk" ng Pinay beauty queen.
Si Teresita Ssen "Wyn" Marquez, na itinanghal na Reina Hispanoamerica 2017, pinag-iisipan daw na muling sumali sa Binibining Pilipinas, ayon sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles.
Hanga raw ni Teresita sa determinasyon na Catriona na dating sumali rin sa Miss World pageant bago nakamit ang korona ng Miss Universe.
Kaya kung mabibigyan daw ng pagkakataon, malaki raw ang posibilidad na sumali ulit si Teresita.
Hindi naman itinanggi ni Gabbi Garcia na pangarap niyang maging beauty queen at may mga humihimok sa kaniyang sumali sa pageants.
Masaya daw ang aktres sa nakamit na tagumpay ni Catriona.
Sabi pa ni Gabbi, nananatiling buhay ang kaniyang pangarap na makakuha ng korona pero hindi pa raw sa ngayon dahil nasa pag-aartista ang atensyon niya.
Ang "Taste Buddies" host naman na si Solenn, ginaya naman ang signature "slow mo" twirl ni Catriona na ikinatuwa ng netizens.
Everyone wants to walk like her :) pic.twitter.com/oALiIH0SBF
— Solenn Heussaff (@solennheussaff) December 18, 2018
Cause she walk like a boss
— Cha (@cutiejhade26) December 18, 2018
Talk like a boss
She's fly effortlessly
And she move like a boss
Do what a boss
Do, she got me thinking about getting involved
That's the kinda girl I need
She got her own thing
That's why I love her
Miss independent
We all do Solenn love..
This is, by far, the closest I've seen. Nice one, Sos!!!
— Rhems (@iamwhems) December 18, 2018
Ang galing...
— Danica Rea Villamor (@villamor_rea) December 18, 2018
Catriona Gray, ikaw ba yan? HAHA Di ba ikaw si Abigail..... Hehe
— garcia.maj (@itsmeabby02) December 18, 2018
May iba pa na humirit na gawin din daw sana ito ni Nico.
Nico will surely make his own version once he sees this But infair Sos, nakuha mo ang hair!
— ???? (@guaniocrystelle) December 18, 2018
eehh ipagawa mo rin kay nicoooo!!!
— àbegail_ (@azadaabbi) December 18, 2018
--FRJ, GMA News
