Kailangang mag-aral ni Kapuso actor Tom Rodriguez ng salitang Mandarin para sa bagong GMA series na "Dragon Lady," kaya panibagong hamon na naman sa kaniya ito.
Ngunit pasasalamat naman ni Tom na mayroon na siyang kaunting background nang manatili siya sa Hong Kong.
"I did an internship in Hong Kong when I was in college for an art company. Cantonese naman 'yung [language] nila doon. So a little bit I was starting to understand and speak it na, enough to get by at least du'n sa Hong Kong. And then I just wanted to challenge myself one time and I had, sa Audible, I had extra credits doon where you can buy books. So I went for the Pimsleur Mandarin na module nila," kuwento ni Tom nang makapanayam ng GMA reporters sa GMA Network kamakailan.
Tom Rodriguez is revealed to be Janine Guiterrez's leading man in the upcoming Kapuso series "Dragon Lady." @gmanews pic.twitter.com/Od4yVGslmG
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) January 17, 2019
"'Yun nga lang hanggang Chapter 2 lang ako, so hanggang introduction lang and saying, magtanong lang kung nakakapag-English ka ba or nakakapag-Chinese. 'Yes! Marunong ako ng Chinese nang konti', so hanggang du'n pa lang. So right now I'll be trying," sabi pa niya.
Gagampanan ni Tom ang role ni Michael Ong, isang lalaking may lahing Chinese na mahuhulog ang loob sa isang babaeng may halong swerte at malas na si Celestina Sanchez (Janine Gutierrez).
Hindi man niya inisip na pumasok sa showbiz noong una, nakatanggap naman siya ng magagandang project mula sa industriya, kaya itinuturing niya ang sarili bilang isang "malaking tsambero."
"I feel like isa akong malaking tsambero. He! He! He! Isang likas na tsambero sa buong buhay ko, especially when it comes to my career here. Aksidente 'yung pagpunta ko dito sa Pilipinas bilang isang aktor. 'Yung trabaho ko ngayon was not something I would have imagined na tatahakin ko pala na industriya, and yet I feel so blessed and lucky to be part of this industry that has taught me so much," saad pa rin ni Tom.
Nahubog aniya si Tom ng mga roles na kaniyang ginampanan.
"Not only when it comes to the craft of acting, pero even myself personally. That every role I played, it seems to be something in there na introspectively, nahuhugot ko."
"Kaya 'pag ganu'n, parang, sabihin na natin na 'yung buhay man halo ng swerte at kamalasan, pakiramdam ko mas mananaig pa rin lagi 'yung swerte sa buhay ko, na nabigay ng industriyang ito," dagdag pa ni Tom. — RSJ, GMA News
