Muling nagpa-wow si Bianca Umali sa kanyang bagong beach photo.
Suot ang puting two-piece habang nakaharap sa dagat, kitang-kita ang sexy figure ng Kapuso young actress.
Sa loob lamang ng dalawang oras, halos 70,000 likes na ang post ni Bianca. Pati mga kapwa celebrities, napabilib sa kaniyang sexy figure.
Busy ngayon si Bianca sa shooting ng Sahaya, ang bagong series kung saan makakatambal niyang muli si Miguel Tanfelix. —JST, GMA News
