Ipinakilala na nitong Lunes ang bagong karakter na mapapanood sa Kapuso hit Afternoon Prime Series na "My Special Tatay," — ang dating nobyo ni Aubrey.


Sa episode nitong Lunes, ipinakita na muling matatagpo ng landas ang dating magkasintahan na sina Aubrey [Rita Daniela] at pulis na si Gardo [Martin del Rosario].

Si Gardo ang pulis na tumututok sa kaso sa nangyaring pamamaril kay Boyet, na karater ni Ken Chan.

Dahil sa pagpasok ng karakter ni Gardo, malaking katanungan sa mga sumusubaybay kung masisira na kaya ang tambalan ng mag-asawang Boyet at Aubrey. -- FRJ, GMA News