Itinanghal bilang Mrs. Universe-Philippines 2018, grateful daw si Patricia Javier dahil hindi niya inasahan ang titulo lalo't isa na siyang ina. At dahil siya ang kakatawan sa Pilipinas, puspusan na ang kaniyang paghahanda para sa Mrs. Universe 2019 na gaganapin sa Africa.

Sa programang "Tunay Na Buhay" ni Rhea Santos, ikinuwento ni Patricia na si Mrs. Universe Philippines 2017 Beau Singson ang humikayat sa kaniya na sumali sa pageant.

Gagawin daw nila ito para matulungan ang mga may sakit na lupus.

Ipinakita ni Patricia ang kaniyang preparasyon sa pagrampa, pati ang kaniyang workout routine. Panoorin.


--FRJ, GMA News