Kasabay sa pag-init ng panahon, sizzling na rin ang ilang Kapuso star na ibihagi ang kanilang iba't ibang workout routines para manatiling fit at healthy.


Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing sumasabak ngayon si Ina Feleo sa high-intensity interval training at weight training program, kaya naman to die for ang kaniyang sexy body.

"Kapag nagwo-workout ako may na-accomplish ako o kapag naka-headstand ako or nakabuhat ako ng something, mayroon siyang little victories na alam mong ginagawa mo for yourself," ayon kay Ina.

Hindi lang epektibong work-out, kundi epektibong diet din ang ginagawa ni Ina.

"Nothing heavy after 6 p.m., nothing heavy pero 'pag nagugutom puwede 'yung fruits or like salad. Pero basically kinakain ko lahat, wala lang 'yung refined sugars like 'yung mga cake, softdrinks," sabi pa ni Ina.

Pilates naman ang sikreto kung bakit slim at slender ang katawan nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe.

Ngunit si Lovi, sinasamahan pa nito ng jogging at planking.

Ang magkapatid namang sina Rayver at Rodjun Cruz, boxing ang kinahuhumalingan, na committed din sa intense training.

Ito'y matapos subukan ni Rodjun ang functional fitness work out regimen.

Sinubukan na rin ni Rodjun ang spinning classes.

"Mahilig ako iba ibahin 'yung work out kasi kapag inuulit mo kasi sanay na 'yung katawan mo du'n. Gusto ko laging may challenge!" ani Rodjun.

Balik basketball si Andre Paras bilang ito ang kaniyang first love.

Sinasabay niya ito sa kaniyang pagte-training sa gym.

Ayon pa kay Andre, malaki ang tulong ng pagkakaroon ng personal trainer para hindi tamarin mag-workout.

"It's good to do other kinds of workouts, try different sports, try other aventures, things like hiking. Or if kaya, join organizations or teams like some people do marathon, some people do cycling," sabi ni Andre.-- FRJ, GMA News