Sa panayam ng "Artistambayan," walang kiyemeng inamin ni Kiray Celis kung gaano kataas ang paghanga niya sa Kapuso comedy genius na si Michael V. na pinapangarap niyang makatrabaho. Katunayan, nakapagpa-picture umano siya noon sa komedyante na kaniyang ipina-frame.
Panoorin ang buong panayam kung saan inihayag din ni Kiray kaniyang mga dream role at ang panawagan niya sa "Bubble Gang."
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
