Kahit ibinigay na raw niya ang lahat ng oras at effort, kahit pa taglay niya ang ganda at kaseksihan, iniwan at sinaktan pa rin daw siya ng kaniyang dating nobyo. Kaya naman tinanong ni Kuya Wil ang bikini open winner na si Allen kung ano ba ang katangian na hanap niya sa lalaki.
Panoorin at baka ikaw na magpapatibok muli ng kaniyang puso.
Sa kabila pala ng magiging masayahin ni Allen, nakatago ang lungkot dahil sa hindi niya nasilayan mula sa kaniyang pagsilang ang kaniyang ama. Kaya naman ginamit na rin niya ang pagkakataon na manawagan para makita ang kaniyang ama na nagngangalang si Alex Tan.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA New
