Isang birthday surprise ang sumalubong kay Bossing Vic Sotto mula sa kaniyang "Daddy's Gurl" family. Hindi naman nawala ang pagpapakuwela ng "Eat Bulaga" host.
Kasama sa sorpresa ang anak niyang si Oyo Sotto, Maine Mendoza, Kevin Santos, Jessa Chichirita at Chamyto Aguedan, ayon sa Star Bites report ni Cata Tibayan.
Magdidiwang si Bossing Vic ng kaniyang ika-64 kaarawan sa Abril 28.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
