Tutok daw muna ngayon sa trabaho ang Kapuso actor na si Benjamin Alves, na bibida sa upcoming Afternoon Prime Series na "Dahil Sa Pag-ibig." Pero handa kaya siyang makatrabaho ang ex-girl friend na si Julie Anne San Jose?
Sa pagbisita nila ni Pancho Magno sa "Artistambayan" ng GMANetwor.com, game na nagpakita ng katawan ang dalawa sa kanilang fans na nakatutok sa Facebook live.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi ng dalawa na balewala na sa kanila ang pagta-topless dahil mas matindi pa raw ang kanilang mga eksena sa serye.
Nang tanungin si Pancho kung ano ang reaksyon ng kaniyang asawa sa kaniyang intimate scenes sa serye, sagot niya, "My wife naman sobrang supportive and we're both doing shows na medyo mature and ibang level na which is a very magandang opportunity sa amin."
Si Benjamin, gagampanan sa serye ang karakter ni Eldon na isang OFW na dadaan sa iba't ibang klase ng paghihirap at pang-aabuso.
Makukulong pa siya sa ibang bansa at mahaharap sa death row.
Ayon sa aktor, sa hirap ng mga eksena sa serye, dito raw muna siya naka-focus at wala raw muna siyang time para pumasok sa bagong relasyon.
"I'm not ready does that mean that i'm over somebody, it doesn't matter if you're not ready for a relationship even if I was in a better place, it's not a priority," sabi niya.
Nitong Lunes, sinabi ni Julie Anne na hindi pa raw siya handang makatrabaho si Benjamin.
Nang tanungin naman ang aktor tungkol dito, paliwanag niya, "I think the decision should be mutual. So it doesn't matter if I'm ready or not it has to be mutual and when we get there then you know we can talk about it." -- FRJ, GMA News
