Kung mayroon mang bagay na gustong balikan si Camille Prats kung maliliit pa ang kaniyang mga anak, ito ay ang magpa-breastfeed sa kanila, na mailalarawan niya bilang isang "love-hate relationship."
Sa programang Mars, sinabi ni Camille na miss niya ang breastfeeding kahit pa matrabaho ito.
"Especially when you're a working mom, masyadong matrabaho ang pagpapa-pump, pag-iipon, thank you sa Mars may freezer tayo dito, natatago ko 'yung mga gatas ko but it's really a lot of work," saad niya.
"Pagka-pump mo, ang tagal na nga, huhugasan mo pa, tutuyuin mo pa, i-sterilize mo pa, alam mo 'yun? Tapos even when I was breastfeeding Nala, 'yung buong araw ko naubos sa kakapa-dede lang. Kasi hangga't gaano niya katagal gustong dumede, hindi mo naman siya puwedeng pigilan. So parang feeling ko 'yun lang ang silbi ko sa buhay, 'yung pakainin lang siya," dagdag pa ni Camille.
Ngunit nang titigil na si baby Nala Camilla sa breastfeeding, may isang pagkakataon daw na napaiyak si Camille.
"So nu'ng na-wean ko si Nala, biglaan siya eh. I took a trip with my husband so biglaang alis, tapos nu'ng sumasakit na 'yung ano ko, nu'ng na-realize ko na hindi na siya dedede ulit because I would be gone for 20 days, iyak, iyak talaga."
"Break down sa eroplano, antagal kong lumabas kasi mugtong mugto na 'yung mata ko, tsaka hagulgol na iyak ha, na ini-imagine ko 'yung itsura niya na karga ko siya tapos ganito kalapit 'yung mukha niya. Kahit ako hindi ko na-prepare 'yung sarili ko for that kasi nga I was packing, busy doing a lot of things, so nawala sa isip ko na ito na 'yung huling dede niya sa akin," kuwento ni Camille.
Ipinanganak ni Camille si Nala noong Setyembre 2017.
Panganay nina Camille at VJ si Nala Camilla. Si Camille ay mayroon ding anak sa una niyang asawang si Anthony Linsangan, si Nathan. —Jamil Santos/LBG, GMA News
