Labis ang kasiyahan nina Max Collins at Sophie Albert dahil umabot na sa 1.2 milyon ang views ng matinding catfight scene nila sa afternoon series na "Bihag."

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabi ng dalawang aktres na sulit ang kanilang paghihirap sa serye dahil ginagawa nilang makatotohanan ang kanilang mga eksena.

"Super happy kami kasi pinaghirapan po talaga namin ang bawat eksena, lalo na 'yung catfight na 'yon," sabi ni Max.

Saad naman ni Sophie, "Worth it talaga lahat nu'ng paghihirap, lahat nu'ng sampal na natikman ko du'n sa eksena na 'yon."

Parehong first time da nina Max at Sophie na gumawa ng ganoong katinding eksena na pisikalan para sa isang show.

Sa mga naturang eksena, hindi raw maiiwasan na may masaktan sa kanila, o pareho sila.

"Nasusugatan po kami na malupit but it's all fun. Actually nagkaroon si Sophie ng malaking-malaking pasa sa likod, sa mga fight scene namin. Ako ang dami kong pasa but then go pa rin, push pa rin. Sige, sampalin mo ko, ok lang," ayon kay Max.

"It's ok, just do what you feel. Hurt me if you need to hurt me. Just do whatever you feel and then after no'n, do'n na kami magso-sorry," saad naman kay Sophie.

Pero sa kabila raw ng mga sakitan at pasang nakukuha nila sa mga eksena, hindi raw naaapektuhan ang kanilang pagkakaibigan.

"I love Sophie. She's such a good actress and napakabait niya and wala siyang  arte at all," papuri ni Max.

Sabi naman ni Sophie, "Sabi nga nu'ng handler namin, sa lahat ng artistang magkaaway, kayo 'yung close. Kasi ano talaga, 'yun nga, maayos, maayos talaga 'yung relationship namin."

Lalo raw kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari sa labanan ng mga karakter nilang sina Jessie at Rein. -- FRJ, GMA News