Fit at slimmer ngayon si Alden Richards matapos sumailalim sa paggi-gym at bagong intense na diet, kung saan nakapagbawas na umano siya ng 20 pounds.
Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, nakita si "Pambansang Bae" sa reopening ng isa sa mga branch ng kaniyang business venture sa Cavite.
Sinabi ni Alden na ginagawa niya ang pag-diet at exercise bago at matapos ang shoot ng kaniyang upcoming movie.
"Intensity workout tapos food, no salt, no fruit. I can only eat sauteed sa olive oil na gulay," saad ni Alden.
Pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Alden ang kaniyang mga negosyo bukod pa sa kaniyang fitness routine.
Samantala, kinilala naman si Aicelle Santos bilang "Outstanding Female Lead Performance in a Musical" sa katatapos lang na Philstage "Gawad Buhay" Awards.
Ito ay dahil sa kaniyang pagganap bilang si Elsa sa "Himala: Isang Musikal."
Taos-puso ang pasasalamat ni Aicelle sa kaniyang bagong award.
Panalo rin ng tatlong awards ang play na pinagbidahan ni Eugene Domingo na "Night, Mother," kabilang ang Outstanding Play.
Binati ni Eugene ang mga nasa likod ng produksyon sa kaniyang Instagram.
Si Heart Evangelista naman, balik-China para sa sequel ng kaniyang upcoming international movie.
Kinumpirma ni Heart na puno ng action scenes ang pelikula sa kaniyang Instagram live kamakailan,
Naging puspusan din aniya ang paghahanda ni Queen of Creative Collaborations bilang lead role nito. —Jamil Santos/FRJ/KG, GMA News
