Iniluwal na ng Kapuso actress-host na si Camille Prats ang ikalawa nilang baby ng mister na si VJ Yambao.

Ibinahagi ng "Mars Pa More" host ang magandang balita sa pamamagitan ng kaniyang Instagram stories nitong Miyerkules.

Ipinost niya ang isang larawan na makikita na may dextrose ang kaniyang kamay at may nakasaad na, "Baby out."

 


Nitong nakaraang Pasko, ibinalita ni Camille ang kaniyang muling pagdadalang-tao.

Sa sumunod na buwan, ipinaalam naman ng mag-asawa ang gender ng kanilang magiging baby.

READ: Camille Prats and VJ Yambao reveal the gender of their baby no. 2

Nobyembre 2017 nang isilang ni Camille ang unang anak nila ni VJ na si Nala.

May isang anak na lalaki si Camille sa namayapa niyang mister na si Anthony Linsangan.— FRJ, GMA News