Habang tumatagal, tumitindi ang artista test ng "Starstruck" survivors. Ngayong Linggo, mapapanood ang matinding eksena ng "Starstruck" girls kasama ang primera kontrabida na si Cherie Gil. Sa direksyon ni Ms. Gina Alajar, mapabilib kaya nila ang dalawang batikang aktres?
Sino kaya sa mga "Starstruck" girl ang makakatikim ng matinding sabunot at sampal kay Ms. Cherie pero masaya pa rin? At sino sa kanila ang magpapaiyak kay direk Gina dahil matatangay sa husay ng kaniyang acting? Panoorin.
Click here for more Starstruck videos:
--FRJ, GMA News
