Isang linggo matapos mabigyan ng pagkakataon na manatili sa "Starstruck," tuluyan nang nagpaalam sa "Starstruck" ang artista hopeful na si Jeremy Sabido.

Si Jeremy ang nakakuha ng pinakamababang combined points sa nakaraan nilang action-fantasy acting challenge. Pumangalawa sa nakakuha ng pinakamababang boto si Pamela Prinster.

Sina Kim de Leon at Dani Porter naman ang nakakuha ng pinakamataas na puntos.

Tila tanggap naman ni Jeremy ang kaniyang pagkakaalis at pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya at fans sa suporta. Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang Starstruck Council dahil sa mga payong ibinigay sa kaniya.



Pinuna ng mga hurado ang umano'y kulangan sa naging performance ni Jeremy dahil hindi raw nito napanindigan ang kanyang character sa fantasy scene.


Sa pagkakaalis nina Jeremy, sina Kim Pamela, Dani Porter, Shayne Sava, Lexi Gonzales, Allen Ansay, at Abdul Raman, na lang ang natitirang contenters.

Sinabi naman ng host ng Starstruck na muling magkakaroon ng twist sa susunod na linggo na dapat abangan.--FRJ, GMA News