Dahil nagsimula na ang "ber" months, naglabasan muli ang mga "meme" sa social media na nagtatampok sa itinuturing "Father of Philippine Christmas Music" na si Jose Mari Chan.  Sa pagtanggap niya ng "Puso Ng Saya" award sa "Sunday Pinasaya," inihayag ng batikang singer-songwriter ang pakiusap niya sa mga gumagawa ng meme.

Sa pagtanong ni Jose Manalo kung natutuwa o nagagalit pa siya sa mga lumalabas na memes tungkol sa kaniya, sinabi ni Jose Mari na natutuwa siya.

"I feel complemented and flattered," saad ng mang-aawit.

Pero ang tangi lang niyang pakiusap sa mga gumagawa ng meme, "I wish that they would not make offensive memes, yun lang."

Tunghayan ang pagbisita ni Jose Mari sa "Sunday Pinasaya" at pagtanggap niya ng naturang "Puso Ng Saya,"  na ibinibigay sa mga taong naghatid ng saya sa mga Filipino. Panoorin.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
 

--FRJ, GMA News