Isang "That's My Boy" contestant sa "Eat Bulaga" ang hinangaan ng mga manonood at netizens dahil sa kaniyang sagot na nagpapakita ng kaniyang pagiging makabayan sa murang edad.
Sa question and answer potion ng naturang pakontes, tinanong ang anim na taong gulang na contestant na si JD kung anong trabaho ang pangarap niya paglaki.
Sundalo naman ang naging sagot ng bata.
Nang tanungin siya kung bakit, tugon ni JD, "Para talunin ang China."
"Para hindi nila makuha ang dagat natin," dagdag niya.
Sinabi ni JD na alam niya ang tungkol sa sigalot ng Pilipinas at China sa pag-aawagan sa West Philippine Sea dahil nanonood siya ng balita. -- FRJ, GMA News
