Ibinahagi ng "Megastar" na si Sharon Cuneta ang panahon na naharap siya sa maraming problema sa buhay — tulad ng pagbigat ng kaniyang timbang at malaking utang. Kasabay nito, inihayag din ng aktres kung papaano niya ito hinarap at mapagtagumpayan.
"When I refocused talaga on God, kasi 'pag nagpo-focus tayo masyado sa problema... I'm just really talking about my experience ha, I'm not trying to preach, pero ito talaga 'yung nangyari sa akin eh," panimula ni Sharon sa panayam sa kaniya ng GMA Network at iba pang showbiz press.
"When I refocused on God and realized 'Oh my God, I've been focusing too much on my problems and why have I forgotten to focus on the one being that is bigger than any problem that can come my way'... everything, you know what, everything fell into place... I just prayed na 'You take over Lord. I don't know what to do, I surrender everything, bahala na po Kayo,'" pagpapatuloy niya.
Sinariwa ni Ate Shawie ang mga panahong siya'y magagalitin at tila inaaway ang mga tao sa social media.
"Parang I remembered before, I became angry, before, Twitter. Before, all mga away with my ex-leading men. I just 'Oh my God what happened to me?' Parang na-realize ko I was becoming like the people na ayaw ko maging, 'yung mga inaayawan ko. 'Yung mga 'Oh my God I'll never be like that person,' 'yung since teenager ako, alam niyo na po 'yun... All of a sudden, bakit 'Oh my God I'm becoming [like] the people I despise."
Dumagdag pa raw dito ang problema niya sa utang, at ang pagiging overweight.
"That was a big part of it. But that was not only it. Imagine I was so fat, I couldn't work, I have big utang, I didn't know how to pay it back in the time I was given kasi nga I was too fat to work."
Matatandaang inilahad ni Sharon kamakailan na sumagi na sa isip niya ang semi-retirement.
Okay na ngayon si Sharon, na inilarawan niya na "closer" at "happier" ang relasyon niya sa asawang si Senator Francis Pangilinan, at kaniyang mga anak.
"And the weight loss has been continuous miraculously. Everything na kailangan ko ibinibigay ng Panginoon kasi nagta-trust ako sa Kaniya. I forgot that eh. Parang na-overcome ako ng problema masyado. Eh tao lang tayo," saad ni Sharon.
Nahanap aniya ni Sharon ang kaniyang sarili nang muli siyang magtiwala sa Panginoon.
"'Tutal, I'm nobody, I'm nothing without You.' You know what, I found myself. I went back to how calm I was," pahayag ng aktres. --FRJ, GMA News
