Pressured. Very nervous.” Ganito inilarawan ni Arra San Agustin ang nararamdaman niya ngayong bida na siya sa bagong GMA-7 teleserye na "Madrasta," na mapapanood na simula ngayong Lunes ng hapon, October 7.
Inamin din ni Arra sa entertainment reporters na dumalo sa media presscon ng Madrasta nitong Lunes, September 30, sa GMA Network sa Quezon City, na hindi siya nakatulog sa sobrang stress sa unang araw ng taping ng serye.
Kuwento ni Arra, “Pressured. Very nervous.
“Nung bago mag-start yung first taping namin, yung pilot taping namin, grabe yung stress ko.”
Patuloy ng 24-anyos na aktres, “Hindi ako makatulog, kasi parang ina-anticipate ko na yung mangyayari the next day.
“Nagwo-worry na ako, ine-expect ko na kasi yung worst.”
Paliwanag niya, “Alam mo yung feeling na pag in-expect mo na kasi yung worst, pag nangyari yung worst, yung feeling, alam ko na, e. Na-prepare ko na yung sarili ko.
Una nang napanood si Arra sa mga teleseryeng "Encantadia," "Meant To Be," "The Cure," at "My Special Tatay."
Ayon kay Arra, pagkatapos niyang tanggapin ang project ay siniguro siyang handa siya sa napakalaking responsibilidad at expectations na kaakibat nito.
Sumailalim daw siya sa extensive acting workshop.
“Nanonood po ako ng mga movies,” dagdag pa ng StarStruck alumna.
“Yun naman po yung one of the main preparations when you’re acting. Observe, kailangan nyong mag-observe. Kailangan niyong manood.
“I’m reading a book, yung Irreverent Acting by Eric Morris.”
Kuwento pa ni Arra, ginagamit niya ang mga natutuhan niya sa acting workshop sa aktuwal niyang pakikitungo sa mga mahal niya sa buhay.
Sa "Madrasta," gaganap si Arra bilang si Audrey, isang nurse na na-in love kay Sean (Juancho Trivino), isang doktor na kalaunan ay iiwan ng asawang si Katharine (Thea Tolentino), kaya naman sa huli ay si Audrey ang magsisilbing ina ng mga anak nina Sean at Katharine.
Ayon kay Arra, hindi niya kinailangan ng malaking adjustment sa pagganap bilang stepmother, sa edad niya.
“May mga friends naman ako na may mga anak na, and I’m 24, yung age ko naman may mga nagkaka-family na rin po nun.
“Puwede na po, puwede na yung age ko,” paliwanag niya.
Nilinaw din ni Arra na ang pagganap niyang stepmother ay iba sa karaniwang pagkakakilala sa mga madrasta, na masungit at nananakit.
“Itong Madrasta na ito po kasi, hindi siya yung typical na evil stepmother,” sabi ni Arra. “Mabait siya.”
Bukod kina Arra, Thea, at Juancho, kasama rin sa cast ng Madrasta sina Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Almira Muhlach, Phytos Ramirez, Ahron Villena, Anjo Damiles, Kelvin Miranda, Faye Lorenzo, Divine, Aucina, at Isabelle de Leon, sa direksiyon ni Monti Parungao.--For more showbiz news, visit PEP.ph
