Ipinaliwanag ni Bianca Umali ang dahilan sa likod ng kaniyang pagpo-post ng sexy bikini photos sa social media na nagpa-"wow" sa maraming netizens dahil sa magandang hubog ng kaniyang pangangatawan.
Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, nilinaw ng 19-anyos na si Bianca na hindi niya intensiyon na mapansin na seksi sa mga larawan.
"Wala talagang intention na maging sexy or anything. It's just that, 'yun ang gusto kong i-post and it’s my account and it’s also the experience of me being in a place and being happy. Pero no intentions of being someone who is sexy," sabi ni Bianca.
Ginagamit daw ni Bianca ang social media para makapagbigay ng inspirasyon sa fans lalo na sa kapwa niya mga babae.
"To be confident of who you are and maraming magja-judge sa 'yo, maraming opinionated na tao. But as long as you’re happy then do what makes your heart happy," anang aktres.
Excited ngayon si Bianca dahil kabilang siya sa ikinakasang malaking proyekto na nananatili munang confidential.
"It would be guaranteed na malaking malaking project... Pinaghahandaang bonggang bonga," sabi ni Bianca.--Jamil Santos/FRJ, GMA News
