Kitang-kita kung gaano ka-effective ang on-screen chemistry nina Ken Chan at Rita Daniela. Kaya ang tanong ng kanilang fans, mauwi kaya sa totohanan ang kanilang sweetness at kilig?
Mula sa afternoon soap na "My Special Tatay" na sina Boyet at Aubrey, napapanood naman ngayon sa primetime sina Ken at Rita via "One of the Baes."
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, aminado si Ken na muntik na siyang ma-in love kay Rita pero siya raw mismo ang pumigil sa sarili.
"Alam kong malaki ang possibilities na puwede akong ma-in love; ako aaminin ko hindi mahirap mahalin si Rita," sabi ng aktor.
Paliwanag naman ni Rita, "Parang kapag hahaluan namin 'yon ng something na hindi naman nasa plano ni God, mag-iiba't mag-iiba siya."
Hindi rin naitago ng dalawa ang labis na tuwa sa tagumpay ng "One of The Baes" at lalo raw gaganda ang takbo ng istorya dahil pinopormahan ng karakter ni Edgar Allan Guzman na si Charles ang role ni Rita na si Jowa.
"Nakakaloka mga lalaki talaga, di ba? Kung kailan may papasok na iba, tapos magpapa-cute. Samantalang dati nagpapapansin na nga ng bonggang-bongga si Jowa, hindi pa rin pinansin ni Grant," patungkol ni Rita sa role ni Ken.
Pero pagtiyak ni Ken sa mga sumusubaybay sa serye, "Siyempre ipaglalaban ko. Hindi puwedeng hindi." --FRJ, GMA News
