Inulan ng mga tanong kung buntis siya at may kasama pang pagbati ang isang Instagram post kamakailan ng Kapuso star na si Heart Evangelista dahil tila nakaumbok ang kaniyang tiyan na hawak ng mister na si Senador Chiz Escudero.

Sa comment section, marami ang naghinala na baka buntis ang aktres at marami rin ang kaagad na bumati sa kanila ng kaniyang mister. Lalo pang lumakas ang hinala na baka buntis nga si Heart nang hindi siya kaagad sumagot sa mga katanungan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Cheesy with Chiz! ????

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

 

Pero sa isang tweet, itinanggi ni Heart na buntis siya.

 

 


Noong nakaraang taon, inanunsyo ni Heart ang pagdadalang-tao niya sa kambal pero sa kasamaang palad ay nagkaroon siya ng miscarriage—FRJ, GMA News