Magiging very busy si Bianca Umali sa 2020 dahil sa dalawang malaking proyekto na kaniyang gagawin. Bukod sa pagbibidahan niyang HBO Asia series na "Halfworlds" Season 3, inanunsiyo sa muling pagpirma ng kontrata ng aktres bilang Kapuso nitong Miyerkoles na siya ang bibida sa isang "game-changer" Kapuso primetime series.
"Just today, we told her that she's going to be one of the stars of a new Primetime soap in 2020. Malapit na 'yan, gagawin na natin," saad ni GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable nang makapanayam ng GMA-7 reporters.
"Hindi lang muna ako magsasabi ng details, pero it's going to be an exciting story, another game-changer, I will say, with a very exciting and powerhouse cast na nararapat lang kay Bianca," pagpapatuloy ng GMA executive.
Bianca Umali is still a Kapuso after 10 years as she renews her contract with GMA Artist Center. @gmanews pic.twitter.com/EUZvQG8673
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) December 11, 2019
Ayon kay Rasonable, magiging bagong "acting challenge" ito kay Bianca dahil hindi pa niya ito nagawa.
"Hindi ko lang kasi din inakala na that fast 'cause we allotted months, actually almost half a year for the HBO series I'm doing," komento naman ni Bianca nang malaman ang balita.
Nauna nang inanunsyo na bibida rin si Bianca para sa HBO Asia series na "Halfworlds" Season 3.
Natanong si Bianca kung paano niya pagsasabayin ang dalawang malalaking proyekto niya sa 2020.
"It won't be easy, of course. Hindi magiging madali because I have been and will be giving my all to all the projects that I am given. And since I will be doing two now, it's a beautiful conflict," saad ni Bianca.
"Mahirap, oo, it wouldn't be easy but gagawan ng paraan 'yan," dagdag niya.
Dama na agad ni Bianca ang pressure lalo't international company ang HBO na may sariling oras at paraan kung paano ginagawa ang kanilang mga shows.
"Parang nothing naman will never be easy but with hard work, everything will work out," saad ni Bianca.
May pressure man, handa itong harapin ni Bianca dahil passion niya aniya ang acting.
"Yes of course there is so much pressure but I don't see it that way. I mean, I do what I do because I'm passionate about it and because it's what I love doing," anang aktres.
"It will always be there, hindi naman siya mawawala eh sa lahat ng gagawin natin sa buhay. But it depends on how you think of it," sabi pa ni Bianca.
"Well alam mo si Bianca talagang home-grown 'yan. At ito ang nagpapatunay na itong ating home na artista, hindi lamang kinikilala din sa atin kundi hanggang abroad," sabi naman ni GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon sa muling pag-renew ni Bianca.
It is also announced that Bianca will star in a new Kapuso Primetime series in 2020. @gmanews pic.twitter.com/W2gHupuCZz
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) December 11, 2019
Kasamang pumirma ni Bianca sina Atty. Gozon, Executive Vice President and CFO Felipe Yalong, Senior Vice President for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable at GMA Artist Center AVP for Talent Imaging and Marketing Simoun Ferrer. --FRJ, GMA News
