Bukod sa pagiging isang mahusay na mamamahayag at direktor, isa ring mabuting asawa ang namayapang Kapuso reporter na si Cesar Apolinario sa kaniyang kabiyak na si Joy.
Nagsimula ang pagiging magkaibigan ng dalawa sa pamamagitan ng pagtulong ni Joy sa mga case study ni Cesar.
READ: GMA-7 reporter at direktor na si Cesar Apolinario, pumanaw na
Bagaman noong una ay may pagdududa sila kung sila ang itinadhana para sa isa't isa, natiyak naman nila sa huli na sila talaga ang itinadhanang magkatuluyan dahil sa hiningi nilang mga "sign."
Balikan ang love story nina Cesar at Joy na itinampok sa "Wagas."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
