Sa programang "Tunay Na Buhay," ipinasilip ni Derek Ramsay ang customized niyang bahay na personal niyang idinisensyo, pati ang kaniyang mga awards sa sports at pagiging aktor.
Napag-alaman na kauna-unahang labas sa TV ni Derek ang pag-host sa longest-running noontime show na "Eat Bulaga." Kinalaunan ay naging DJ siya sa MTV.
Matapos nito, napanood na rin si Derek bilang aktor sa mga pelikulang "One More Chance," "No Other Woman," at "English Only Please" at "All Of You" kasama si Jennylyn Mercado.
Nagbahagi rin si Derek ng ilang detalye tungkol sa personal niyang buhay, at inilarawan ang sarili bilang "spontaneous, loyal at makulit" na boyfriend. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
